Naka-posisyon na ang puwersa ng Philippine National Police (PNP) sa maraming lugar sa bansa, ilang araw pa bago mag eleksyon.
Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, inuna na nila ang deployment ng mga pulis sa mga lugar kung saan 100 porsyento nang dumating ang mga makina at paraphernalias na gagamitin sa eleksyon.
Kabuuang 147,000 mga pulis ang ipakakalat ng PNP sa ibat ibang panig ng bansa para sa eleksyon.
Samantala, nilinaw ni Albayalde na wala silang naitalang kaguluhan sa lahat ng lugar na kabilang sa 946 election hotspots.
Marami aniya dito ang naisama lamang sa listahan dahil mayroong history na mainit ang labanan sa pulitika.