Sisimulan na ng Russian government ang pagbawi ng kanilang puwersa sa Syria.
Ito ang inihayag ni Russian President Vladimir Putin sa pulong na isinagawa kasama ang kanyang defense at foreign ministers.
Ayon kay Putin, pumayag naman si Syrian President Bashar Al-Assad sa pagbabawas nito ng Russian troops nang sila ay mag-usap sa telepono.
Giit nito, naging matagumpay ang military intervention nila sa Syria na naging daan para mabigyan ang rebel fighters ng foreign military supplies kasama na ang US-made anti-tank missiles.
Ani Putin, nagampanan na nila ang kanilang tungkulin sa Syria at wala na umanong advance warning mula sa Estados Unidos.
By Mark Makalalad