Babawasan na ng Russia ang kanilang military forces sa Syria bago matapos ang taon.
Kasunod ito ng pagdedeklara sa pagkatalo ng teroristang grupong Islamic State of Iraq and Syria o ISIS.
Ayon sa Russian Armed Forces Chief of General Staff, wala na silang gaanong gagawin sa Syria dahil malapit na nilang makamit ang kanilang layunin.
Gayunman hindi naman tuluyang lilisanin ng Russian Forces ang Syria at mananatili ang kanilang dalawang military bases, ceasefire monitoring center at ilang mga istraktura na tutulong sa pagsasayos ng nasabing bansa.
—-