Demokrasya at hindi diktadurya.
Ito ayon kay Senate Minority Leader Francis “Kiko” Pangilinan ang dapat umiral bilang tugon sa pagtanggal ng posisyon at committee chairmanships sa mga miyembro ng Super Majority sa Kamara na bumoto laban sa death penalty bill.
Binigyang diin ni Pangilinan na hindi makatuwirang tanggalan ng posisyon o komite ang mga tumutol sa nasabing panukala dahil hindi naman ito nangangahulkugang hindi ito sumusuporta sa iba pang programa ng gobyerno.
Sa halip na dapat pagkaisahin ang bansa at palakasin ang demokrasya ng bansa, sinabi ni Pangilinan na lalong nagkakawatak-watak dahil sa puwersahang istilo ng pamamahala.
Inihayag naman ni Senador JV Ejercito na umiiral ang demokrasya sa bansa kayat nirerespeto ang paninindigan ng bawat isa sa anumang usapin.
By Katrina Valle |With Report from Cely Bueno