Malabo ng maibigay kay Senador Alan Peter Cayetano ang puwesto sa Department of Foreign Affairs.
Ito’y makaraang ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sayang ang talino ni Cayetano kung mawawala ito sa Senado.
Ayon kay Pangulong Duterte, maaari namang magtalaga ng acting secretary sa DFA gaya ng pag-appoint kay Acting Secretary Enrique Manalo matapos mabigo si Secretary Perfecto Yasay na makalusot sa Commission on Appointments.
Magugunitang matapos ang eleksyon ay ipinangako ng Pangulo kay Cayetano ang DFA sa sandaling magtapos ang isang taong ban sa mga talunang kandidato kaya’t pansamantalang inilagay si Yasay sa nabanggit na kagawaran.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping