Itinanggi ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) na nagbayad sila ng mahigit sa P70-M sa mahigit 5,000 pensioners na patay na.
Ayon kay PVAO administrator Ernesto Carolina, hindi nawala ang pondo dahil naka-hold pa ito sa mga bangko.
Aminado ang PVAO na naipasok ang pondo sa accounts ng mga pensyonadong patay na subalit inipit ng bangko dahil agad rin itong hinahabol ng PVAO.
Halos kalahati anya ng P70-M ay nabawi na ng PVAO samantalang mahigit pa sa P33-M ang nananatili sa bangko.
Ghost claims hindi nangyayari sa PVAO – PVAO admin
Tiniyak ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) na hindi nangyayari sa kanila ang ghost claims na tulad ng nangyari sa PhilHealth.
Ayon kay PVAO administrator Ernesto Carolina, mayroon silang nakalatag na mga panuntunan upang matiyak na hindi makakalusot ang pagbabayad ng pensyon sa mga beteranong patay na o kaya ay muling nagpakasal.
Sinabi ni Carolina na mayroon silang mga extension office na ang pangunahing trabaho ay makipag-ugnayan sa mga local registrar at vetarans organizations.
Kailangan ring magpakita sa kanilang tanggapan ang pensyonado tuwing ika-anim na buwan, taunang pagsusumite ng larawan na may kasamang newspaper kung saan makikita ang date ng publication at biglaang mga pagbisita ng PVAO.
Una nang sinita ng Commission on Audit ang PVAO dahil sa di umano’y pagbabayad ng mahigit sa P70-M sa mahigit 5,000 patay nang pensioners.