Umaasa ang Philippine Veterans Affairs Office na maipapasa ngayong taon ang house bill na nagsusulong para sa 20,000 Peso Monthly Pension ng mga World War 2 veteran bago pa mamatay ang mga ito.
Ito, ayon kay PVAO Administrator Ernesto Carolina, ay upang mapabilang ang nasabing panukalang batas sa babalangkasing 2019 national budget.
Layunin ng House Bill 270 na inihain ni Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman noong 2016 na itaas sa 20,000 Pesos ang pensyon ng mga War Veteran mula sa kasalukuyang 5,000 Pesos.
Ini-refer naman ng House Veterans Affairs and Welfare Committee ang nasabing panukala sa Committee on Appropriations noong Pebrero 27 ng nakaraang taon.
Gayunman, aminado si Appropriations Committee Secretary Elena Ramos na hindi pa umuusad ang bill dahil sa issue kung paano ito popondohan.