Inihahanda na ng Department of Transportation and Communication (DOTC) ang bidding para sa mga karagdagan pang point to point buses na friendly sa mga PWDs o persons with disabilities.
Ayon kay DOTC Secretary Jun Abaya, sa ngayon ay dalawang ruta pa lamang ang gumagana subalit plano nila itong palawakin pa.
Bukas anya ang bidding para sa lahat ng mga gustong lumahok na may kakayanang maglaan ng mga bagong buses para sa point to point na biyahe at PWD-ready.
“Nung ni-roll out namin itong point to point buses ay ni-require na natin dahil panibagong mode of transportation ito ang mga lumalahok ay nire-require namin na bukod sa PWD-accesibility, ay CCTV, GPS, free wi-fi, magandang magpasok ng additional reform.” Pahayag ni Abaya.
By Len Aguirre | Ratsada Balita