Otomatiko nang miyembro ng PhilHealth members ang mga taong may kapansanan o Persons with Disabilities (PWD’s).
Ito ay kung mapagtitibay ang House Bill 5939 o ang pag-amyenda sa Magna Carta for Disabled Persons o Republic Act Number 7277.
Ayon sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO), hindi sapat ang health care services na nakukuha ng mga PWD’s.
Batay sa panukala, kukunin sa national health insurance fund ang pondo upang mai-enroll sa Philhealth ang mga kababayan nating may kapansanan.
Sang ayon sa census noong 2010, papalo sa 1.6 na milyong PWD’s ang dapat mabigyan ng suporta at ayuda lalo na sa pangangailangan sa pangkalusugan.
By Ralph Obina