Uubra nang ibigay sa ibang broadcast companies ang mga frequency ng ABS-CBN matapos mabasura ang franchise renewal ng Kapamilya Network.
Ayon kina House Legislative Franchises Committee Vice Chairmen Jonathan Sy-Alvarado at Mike Defensor pwede nang i-alok ang Kapamilya frequencies sa ibang franchise applicants dahil hindi irereserba ng Kongreso ang nasabing frequencies hangga’t makakuha muli ng prangkisa ang media giant.
Sinabi ni Defensor na technically ay naibalik na sa estado ang frequencies ng ABS-CBN.
Ipinabatid naman ni Alvarado na nakatanggap ng impormasyon ang komite na ilang broadcast companies na ang nagpaabot ng interes sa ABS-CBN frequencies.