Hayagang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring tanggapin ng mga botante ang perang ibinibigay ng mga kandidato.
Ito’y sa kabila ng ilang beses nang paalala ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na labanan ang vote buying at kasalanan ang magbenta ng boto.
Sa talumpati sa kampanya sa Davao City, sinabi ng pangulo na pwedeng tumanggap na pera kung ito ay para sa pamasahe lamang.
Sinabi ni Duterte na kapag kinuha ang pera galing sa kandidato ay sabihin na para ito sa pamasahe at hindi para kapalit ng boto.