Paghahanap ng langis ang itinuturong dahilan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa presensya ng China sa West Philippine Sea.
Ayon sa pangulo, tulad ng ibang bansa, interesado ang China sa langis na posibleng matagpuan sa naturang karagatan.
Ito kasi anya ang bubuhay sa industriyalisasyon ng isang bansa lalo’t halos lahat ginagamitan ng langis.
Ito rin umano ang dahilan kung bakit magulo ngayon sa middle east dahil ang mga bansa doon ay naglalabas ng langis na gusto umanong kontrolin ng ibang bansa.
“China where all of its…whatever posturing there, is also interested in oil so lahat yan, because of fuels industrialization”