Tiniyak ng AFP o Armed Forces of the Philippines na sapat ang puwersang militar sa Mindanao para pulbusin ang mga lawless elements sa nasabing lugar.
Sa panayam ng DWIZ kay Afp Spokesman B/Gen. RESTITUTO Padilla, sinabi nito na walang pangangailangan para magdagag ng puwersa bagama’t aminado siyang mabigat ang pagsasanib ng iba’t ibang grupo upang palakasin ang kanilang puwersa.
Kasabay nito, iginiit din ni Padilla na sapat na ang idineklarang State of Lawless Violence ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong bansa kaya’t walang pangangailangan para ilagay ang Mindanao sa Martial Law.
By: Jaymark Dagala