Nagpadala na ng 20 man team ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Cordillera Administrative Region upang umasiste sa mga apektado ng bagyong Egay.
Gaya na lamang ng road clearing operations sa mga binaha at may pagguho ng lupa.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, tatlong team ang ipinadala sa Kabayan, Abra at isa naman ang sa Benguet mula ang mga ito sa public safety division ng MMDA.
Kung saan dala ng mga ito ang mga solar-powered water purifiers para sa sapat na suplay ng tubig.
Gayundin ang mga gamit sa clearing operation tulad ng chainsaw, rotary saw, generator, rechargeable light, at iba pa.