Aakyat na sa 24,368 ang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong taon dahil sa inaasahang pagtatapos sa training ng 1,757 individuals.
Sa kasalukuyan, kabilang sa 22,000 personnel ng PCG ang nasa 2,831 na babae at 16,923 na lalaking non-officers.
Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, bahagi ng modernization efforts ng coast guard na maabot ang 35,000 workforce nito sa mga susunod pang mga taon.
Ang pagtaas anya ng workforce ng PCG ay bunga ng recruitment sa mga coast guard auxiliary.
Inihayag naman ni PCG Commandant, Admiral Artemio Abu na mas may kakayahan na ngayon ang organisasyon na gampanan ang maritime-related mandates nito at magsagawa ng disaster response operation sa panahon ng kalamidad at gitna ng pandemya.