Naka-heightened alert na ang buong pwersa ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa paggunita ng undas 2022.
Alinsunod ito sa kautusan ni PCG CG Admiral Artemio Abu sa mga operating unit simula ngayong araw hanggang Nobyembre 3.
Dahil dito, inaasahan ni Abu na dadagsa ang mga pasahero sa mga pantalan para umuwi sa kani-kanilang probinsya.
Mahigpit naman na pagbabantay ang gagawin ng PCG lalo’t inaasahan din na dadagsa ang mga pilipino sa mga tourist destintion para samantalahin ang long weekend.
Kabilang sa Western Seaboard Monitoring ang mga rehiyon ng Batangas, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Aklan, Iloilo, at Zamboanga.
Habang ang Eastern Seaboard Monitoring ay sumasaklaw sa Manila, Bicol Region, Samar, Leyte, at Surigao Provinces.
Pinaigting rin ng PCG ang mga operasyon katuwang ang Philippine Ports Authority at Maritime Industry Authority sa pagpapaalala sa mga pasahero na sundin ang Health Protocols kontra COVID-19 upang maiwasan ang pagkalat ng virus. – sa panunulat ni Hannah Oledan