Pinalakas pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang puwersa sa mga lugar na nasa ilalim na ng general community quarantine (GCQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ayon kay Lt. General Guillermo Eleazar, Task Force COVID Commander, inatasan sila ni Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Gamboa na ayudahan ang mga magbubukas na transportasyon.
Kailangan rin anya ng dagdag na tauhan dahil mas marami nang tao ang pinapayagang makalabas dahil sa pagbubukas ng ilang business establishments.
Nananatili naman anya ang protocols na ipinatutupad sa lahat ng checkpoints.
Samantala, pinag-aaralan na ng Philippine National Police (PNP) na panatilihin ang ilang checkpoints sa loob ng isang syudad o bayan kahit pa wala nang quarantine.
Ayon kay Lt. Gen. Guillermo Eleazar, commander ng Task Force COVID Shield, layon nilang mapanatili man lamang ang pagbaba ng krimen sa lahat ng panig ng bansa mula nang ipatupad ang quarantine.
Sa ngayon anya ay nasa 61% na ang ibinaba ng krimen sa bansa sa loob lamang ng nagdaang dalawang buwan.
Kahit walang community quarantine (…) itutuloy pa rin natin, lalo na at naka-establish naman all over the Philippines, itong mga quarantine checkpoint,” ani Eleazar. —sa panayam ng Ratsada Balita