Kasado na ang buong pwersa ng pulisya at militar para sa mas pinaigting na seguridad sa gaganaping plebesito para sa BOL o Bangsamoro Organic Law sa Lanao Del Norte.
Ayon kay Lanao Del Norte Police Director Senior Superintendent Leopoldo Cabanag, nag-atas na si PNP Director Chief Superintendent Oscar Albayalde ng deployment ng mga k-9 units na nagmula pa sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Kumpiyansa naman si Cabanag na hindi na matutuloy ang anumang banta sa seguridad na magdudulot ng kaguluhan sakaling hindi manaig ang botong “yes” sa naturang lugar.
Sa ngayon anya ay wala pang nakikitang anumang banta sa kaligtasan ng mga residente sa Lanao Del Norte.