Aprubado na ang P2.9-bilyong supplemental budget ng Quezon City na gaagamitin para sa mga kinakailangang materyales ng mga mag-aaral sa mga pampublikong eskuwelahan sa lungsod.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, isinaayos nila ang pondo ng lungsod para matiyak ang tuloy tuloy na edukasyon ng kabataan sa kabila ng inaasahang pagapapatupad ng Alternative Learning System (ALS).
Sinabi ni Belmonte, gagamitin ang bahagi ng pondo para sa pagbili ng mga tablets na ipamamahagi sa mahigit 150,000 junior highschool at halos 20,000 senior highschool sa Q.C.
Mamamahagi rin aniya ang pamahalaang lungsod ng mga modules, learning packets na naglalaman ng flash drives, at karagdagang printed materials para sa mga kinder at grade school student.
Dagdag ng alkalde, kukunin din sa supplemental budget ang pagpopondo sa internet allowance ng mga estudyante at guro.