Naglatag na ng mga batas at reporma ang gobyerno ng Qatar para matiyak ang seguridad at kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa nasabing bansa.
Ayon kay Labor Undersecretary Ciriaco Lagunzad, nagpatupad na rin ng Dispute Settlement System sa Qatar na binubuo ng tatlong komite na hahawak at magpoproseso sa kaso ng mga OFW’S sa nasabing bansa.
Paliwanag ni Labor Attaché David Des Dicang, merong 21 araw ang nasabing komite para resolbahin ang mga nai-report na mga kaso kung saan magiging katuwang nito ang Ministry of Justice at Labor ng Qatar.
Ang pagtungo ng labor delegation ng Pilipinas sa Qatar na pinangunahan ni Lagunzad ay kabilang sa hakbang ng Pilipinas para alamin ang kalagayan ng mahigit 250,000 mga ofw sa nasabing bansa.