Nagpaabot ng tulong ang pamahalaan ng Qatar sa bansa para sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.
Lulan ng Qatar Emiri Air Force ang tulong na dinala sa NAIA nitong Biyernes ng umaga alinsunod sa direktibang ibinaba ni Amir of state ng Qatar na si Sheikh Tanim Bin Hamad Al Than.
Kabilang sa tulong na ibinigay ng Qatar ay ang 40 tonelada ng food at non-food products.
Kabilang din ang camping equipment gaya ng mga tents, tubig, generator sets maging ang ilang rescue boats.