Pinayuhan ng Qatari government ang mga mamamayan sa bansa na huwag mag-panic buying.
Kasunod na rin ito ng umano’y pagsugod ng mga tao sa supermarkets at grocery stores dahil sa pangambang maapektuhan ng umiiral na diplomatic row ang supply ng pangunahing bilihin.
Sinabi ng Qatar cabinet na ang pagpapa-panic ay resulta ng maling balita na kumalat sa social media.
Tiniyak ng Qatari government ang ginagawa nila ang lahat para manatiling normal ang sitwasyon sa kabila nang pagputol ng diplomatic ties ng mga bansa sa Gitnang Silangan.
Ayon sa supermarket officials sa Qatar maliban sa Gulf States maraming iba pang bansa ang pinagkukunan nila ng supply.
Sa katunayan anila ay siyamnapung (90) porsyento ng meat at dairy products ay nagmumula sa malalaking kumpanya sa Qatar samantalang karamihan sa farm products ay inaangkat sa South East Asia at mula naman sa Japan at China ang technological products.
Binigyang diin ng Qatar Cabinet na ang pagtigil ng ilang flights ay hindi nangangahulugan ng isandaang (100) porsyentong pagtigil na rin ng operasyon sa paliparan dahil ang Iraq, Kuwait at Iran ay mayroong malaking kontrol sa North Asian Hampshire.
By Judith Larino
Qatari government sa mga mamamayan: Huwag mag-panic buying was last modified: June 6th, 2017 by DWIZ 882