Nanganganib na dumami pa ang mga kabataang pumapasok sa pre-marital sex at tumaas pa ang HIV-AIDS cases dahil sa pamamahagi ng condoms sa mga pampublikong paaralan.
Ayon kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, sa halip na makapigil ay baka lalong maging curious ang mga kabataan sa sex kapag nabigyan sila ng condom.
Nilinaw ni Bautista na hindi siya tutol sa pamamahagi ng condom bilang paraan ng pagpigil sa pagdami ng kaso ng HIV-AIDS subalit hindi ito dapat idaan sa mga paaralan kundi sa mga public health centers.
Bahagi ng pahayag ni Quezon City Mayor Herbert Bautista
By Len Aguirre | Credit to: Ratsada Balita (Interview)