Nagkasa ng alternatibong ruta sa EDSA ang MMDA at Quezon City Government.
Ito ay bilang paghahahnda sa inaasahang mas bibigat pang daloy ng trapiko sa ibat ibang bahagi ng Metro Manila ngayong kapaskuhan.
Sa paglagda ng MMDA at QC Government sa isang Memorandum Of Agreement sinabi ni MMDA Chairman Danilo Lim na kabilang sa tinukoy na Kalayaan Lanes para sa mga pribadong sasakyan ang Amoranto Avenue, Balintawak Cloverleaf, Banawe St., Biak na Bato, Congressional Avenue, Commonwealth Avenue, C-5 road, D. Tuazon St., Dapitan St. at De Jesus St.
Pasok din bilang kalayaan lanes ang Del Monte Avenue, EDSA, E. Rodriguez Avenue, Gilmore Avenue, Granada St., Kapitunan Avenue, Luzon Avenue, Maria Clara St., Matimyas St. at Mayon Avenue.
Bukod pa ito sa Mindanao Avenue, Quezon Avenue, Santolan Road, Sto Domingo Avenue, Scout Magbanua St., Scout Tobias St., Timog Avenue, Tomas Morato Avenue, Visayas Avenue at West Avenue.
Nakasaad sa moa ang pagtukoy ng MMDA sa Kalayaan Lanes na bahagi ng teritoryo ng Quezon City at magbibigay ng mga traffic enforcer para makatulong sa pag mando sa daloy ng trapiko.
SMW: RPE