Nakatakdang ilunsad ng lokal na Pamahalaang Lungsod ng Quezon ang ‘KyusiPass’ na isang contact tracing app bilang bahagi ng contact tracing efforts ng lungsod kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, sa pamamagitan ng ‘KyusiPass’ mas mapapabilis ang pagtunton at pagtukoy ng mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng isang indibidwal na bumisita sa lungsod maging sa bawat pinuntahan nitong lugar gaya ng iba’t-ibang establisyimento.
Ibig sabihin, ang sinumang residente ng lungsod, mga nagtatrabaho o kaya’y may negosyo sa lungsod ay kinakailangang magregister sa ‘KyusiPass’.
Sa kaparehong abiso, sa mga magpaparehistro sa naturang contact tracing app ay maaaring mag-sign-up sa Safe Pass websites.
Inaasahan naman sa pagtatapos ng buwan ay maipatutupad na sa buong lungsod ang paggamit ng naturang contact tracing app.