Pinatitiyak ng Lokal na Pamahalaan ng Quezon City sa organizer ng Maginhawa Community Pantry na dapat nasusunod ang mga ipinatutupad na health protocols para maiwasan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) transmission sa lugar.
Ayon kay Rannie Ludovica, head ng QC Task Force Disiplina, dahil dito napagkasunduan ng Maginhawa Community Pantry at local government unit na hindi na sila mamamahagi ng goods, sa halip ay dito na lang tatanggap ng mga donasyon.
Ani Ludovica, mas makabubuti kung magbubukas na lang ng mas maraming community pantry sa lungsod upang maiwasan ang mahabang pila ng mga tao.
Kasabay nito, nanawagan si Ludovica sa mga organizer ng community pantry na huwag namang kalimutan ang pag-iingat laban sa banta ng COVID-19 ng mga taong pumipila sa kanila.
Talaga ho ana na magkaroon ng magandang koordinasyon, kung hindi nila kayang kontrolin ang maraming tao ay magbigay na lamang ng stub, para kung hindi mabigyan ng stub ay magbakasakali na lang sa susunod na araw… Pakiusap po namin sa mga organizers na tingan din nila kung paano ma-eexpose ang mga tao sa hawaan,” ani Ludovica. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais