May handog na libreng routine testing ang lokal na pamahalaan ng Quezon City (QC) sa mga ahensya, tanggapan at negosyo sa lungsod.
Ito’y bahagi ng mga hakbang ng QC LGU para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Una nang sinimulan ng QC Epidemiology and Surveillance Unit (QCESU) ang katulad na programa sa ilalim ng kanilang “Kyusi-Industriya I.W.A.S. sa Covid-19” noong Hunyo 16.
Bunga naman ng banta ng Delta variant, nanawagan ang lokal na pamahalaan sa mga manggagawa na i-avail ang libreng COVID-19 tests.