Nakatakdang maglunsad ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng kauna-unahang birth registration portal sa bansa.
Ang naturang proyekto ay upang magkaroon ng maayos na birth registration process kung saan maaaring ipasa sa website ang mga kinakailangang requirement at ibeberipika ng City Civil Registry Department o CRRD.
Makatutulong din ang proyekto upang hindi na kailangang pumunta ang mga residente sa City Hall.
Bukod sa birth registration, magiging available rin sa portal ang iba pang Civil Registry Department CCRD programs tulad ng marriage registration at death registration.
Samantala, tiniyak ng QC LGU na magkakaroon ang portal real-time tracking at email notification system para sa mga aplikante.
Sa oras na mailunsad ang naturang portal ay 24/7 itong maaaring tumanggap ng mga aplikasiyon mula sa residente ng Quezon City.