Iginiit ng Quezon City Local Government Unit na hindi umano totoo o fake news ang mga napabalitang pamamahagi ng 10,000 ayuda gamit ang QCitizen ID o QC E-Services Portal.
Ayon sa pamahalaang lokal, hindi dapat naniniwala ang mga residente sa mga ugong-ugong ng walang basehan lalo na kung nababasa lamang ito sa mga post sa social media at hindi nanggagaling sa kanilang official website.
Dahil dito, nagpaalala sa mga residente ang QC LGU na sakaling makaranas ng panghihikayat at panloloko ay agad na ipagbigay alam sa kinauukulan upang agad na matukoy ang salarin o responsible sa pagpapakalat ng maling impormasyon. —sa panulat ni Angelica Doctolero