Nagkasa ng operasyon ang Quezon City government kaugnay sa pagpapatupad ng “No Vaccination, No Ride” policy na ipinatutupad ng Department of Transportation (DOTR).
Ayon sa pamahalaang lokal ng Quezon City, lilimitahan ang galaw ng mga unvaccinated individuals maliban nalang kung lalabas para sa trabaho, pagkuha ng pagkain, o medical services, dine-in at iba pang leisure activities.
Kailangan ding sumailalim sa covid-19 testing kada dalawang linggo sa sarili nilang gastos ang mga hindi bakunadong residente.
Ang mga lalabag sa naturang panukala ay pagmumultahin ng P500 sa first offense, P1,000 sa second offense at P3,000 sa mga susunod na paglabag habang ang mga establisimyento naman na lalabag sa kautusan ng pamahalaang lokal ay mahaharap din sa kaukulang parusa.—sa panulat ni Angelica Doctolero