Namahagi ng fuel subsidy sa mga tricycle driver ang lokal na pamahalaan ng Quezon City.
Pinangunahan ng Task Force On Transport And Traffic Management (TFTTM) ang pamamahagi ng subsidiya kung saan, aabot sa 1,000 trike drivers ang nakatanggap ng fleet card na naglalaman ng P 1,000.
Sa ilalim ng City Ordinance o Sp-3100 Series of 2022, layunin nitong matulungan ang mga driver na lubhang naapektuhan ng patuloy na pagtaas-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Una nang nakatanggap ng subsidiya ang mga tricycle driver sa District 1 habang nakatakda namang bigyan ang ilan pang tricycle drivers sa iba pang distrito ng lungsod.