Nanawagan sa mga magulang ang Quezon City Government na huwag umanong ipagkait sa kanilang mga anak ang proteksiyon ng bakuna laban sa virus.
Ayon kay Dr. Malu Eleria ng QC Task Force Vax to Normal, malaki ang maitutulong ng mga bakuna sa edad 5 hanggang 11 upang hindi madaling dapuan ng nakakahawang sakit.
Nanawagan din sa mga residente ang pamahalaang lokal na patuloy na sundin ang health and safety protocols upang maiwasan ang muling pagsirit ng COVID-19 cases. —sa panulat ni Angelica Doctolero