Sinimulan na nitong Sabado ng Quezon City Local Government Unit ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga residente nitong buntis.
Sa abisong inilabas online, anim na mga vaccination sites sa lungsod ang itinalaga para mabakunahan ang naturang sektor:
Esteban Abada Elementary School sa Distrito Uno; Batasan National High School sa Distritto Dos; Quirino Elementary School naman sa Distrito Tres at iba’t iba pang mga eskwelahang ginawang vaccination sites sa lungsod hanggang sa Distrito Sais nito.
Kasunod nito, nagpaalala ang QC health department sa mga buntis na magpapabakuna na tanging mga nanay na nasa ikalawa at ikatlong trimester lamang ang pinapayagang mabakunahan.
Mababatid na ang mga buntis ay napabilang kamakailan sa A3 priority group ng ating pamahalaan.
Samantala, sa pinakahuling tala ng QC health department, umabot na sa 2,534,554 ang bilang ng mga nabakunahan sa lungsod.
901,117 sa mga ito ang fully vaccinated na o katumbas ng 53.01% ng 1.7 milyong target population.