Nagsagawa ang Quezon City government ng sarili nitong simulation exercise para sa pagbabakuna kontra COVID-19.
Ang dry run ng vaccination program ay pinangunahan ng Quezon City General Hospital, katuwang ang Zuellig Pharma Corp.
Ayon sa lokal na pamahalaan, gagamit ito ng app o application na “EzVax” kung saan digitalized at centralized ang pre-screening o scheduling ng pagbibigay ng bakuna sa mga health care workers.
Sa kaparehong application, magiging madali rin ang pag-access sa medical history at schedule ng pasyente sa pagkuha ng ikalawang shot ng vaccine.