Balik trabaho na sa araw na ito si Quezon City Mayor Joy Belmonte matapos maka-recover sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Binigyan ng city health department ng clearance ang alkalde matapos na magnegatibo na sa pinakahuli niyang rapid diagnostic test.
Nakumpleto rin ni belmonte ang 14 na araw na mandatory quarantine period ng Department of Health (DOH).