Muling dinapuan ng COVID-19 si Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Sa isang pahayag, sinabi nito Belmonte na patunay ito na hindi pa rin natatapos ang banta ng COVID-19.
Kasunod nito, ani Belmonte, pinasimulan na rin ang pagsasagawa ng contact tracing sa lahat ng mga nakasalamuha nito sa mga nakalipas na araw.
Sa ngayon, ayon sa opisyal na hindi naman malala ang mga sintomas na kanyang nararamdaman.
Tiniyak naman nito, na patuloy ang kanyang serbisyo sa lungsod habang naka-quarantine sa Hope Community Care facility.