Pormal nang nanumpa kahapon bilang alkalde ng Quezon City si Joy Belmonte kasabay ang mga nanalo ring opisyal sa lungsod.
Ito na ang ikalawang termino ni Belmonte bilang alkalde ng Quezon City.
Sinabi ni Belmonte na kanyang ipagpapatuloy ang “14-point agenda” at mga bagong plano para sa lungsod, kabilang ang pagpapaganda sa Quezon Memorial Circle.
Sinabi rin nito na plano niyang magdagdag ng mas maraming ospital at paggamit ng single-patient record system.
Maliban kay Belmonte, nanumpa rin sa kanilang mga tungkulin sina Juan Carlos “Arjo” Atayde, Ralph Wendel Tulfo, Franz Pumaren, Marvin Rillo, Patrick Michael Vargas, at Maria Victoria Co Pilar.