Sinimulan na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pakikipagpulong sa iba’t ibang grupo ng mga vendor sa lungsod.
Ito ay para makapaglatag ng pang matagalang solusyon sa problema ng illegal vendors.
Sinabi ni Belmonte na tiyak na maaapektuhan ang mga illegal vendors kasabay ng layuning mapaluwag ang mga lansangan sa lungsod.
Tiniyak ni Belmonte sa mga maaapketuhang vendor na hindi isasantabi ang kanilang kapakanan at titiyaking hindi siya mawawalan ng pangkabuhayan.
Inamin ni Belmonte na kailangan ng pangmatagalang solusyon para sa mga vendor at mabigyan sila ng pangmatagalang hanapbuhay.
Nitong nakalipas na weekend ay ininspeksyon ni Belmonte sa Nepa QMart, Arayat Market, Muñoz Market at Balintawak Market kung saan kinausap nito ang mga sidewalk vendor at ipinaliwanag ang maling pamamaraan at puwesto ng kanilang pagtitinda.