Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Ayon kay Belmonte maayos ang kaniyang kalagayan at wala siyang naramdamang anumang sintoms ng nasabing virus samantalang mahigpit din aniya siyang sumusunod sa quarantine protocols
Ipinabatid ni Belmonte na nagsimula na ang contact tracing procedures ng QC epidemiology and surveillance unit kasabay ang pansamantalang pagsasara ng kaniyang tanggapan kasama ang common areas ng city hall para sa kaukulang disinfection
Sinabi ni Belmonte na naihanda na niya ang kaniyang sarili sa sinapit ngayon sa kabila ng aniya’y ibayong pag iingat niya.
Tiniyak ni Belmonte na tuloy-tuloy ang serbisyo ng lokal na pamahalaan kahit naka-quarantine siya at limitado ang pagkilos dahil mananatili siyang nakatutok sa mga dapat gawin sa buong lungsod.