Nagtakdang child-friendly COVID-19 safe zones ang lokal na pamahalaan ng Quezon City kung saan pinapayagan ang mga menor de edad na magsagawa ng non-contact activities.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, ang hakbang ay alinsunod sa panawagan ng UNICEF Philippines na payagan ang mga bata na magsagawa ng outdoor activities upang mapaunlad ang kanilang physical at mental health sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Ilan sa mga tinukoy na child-friendly COVID-19 safe zones ang Quezon Memorial Circle at Ninoy Aquino Parks and Wildlife.
Sa oras na maitakdang safe zone ang isang lugar, magtatalaga naman ng zone administrator upang matiyak na maipapatupad ang minimum health protocols kontra COVID-19. —sa panulat ni Hya Ludivico