Pinapayagan na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang mga menor de edad mula 17 taong gulang pababa na bumisita sa Quezon Memorial Circle.
Ito’y kasabay ng pagpayag ng Metro Manila Council o MMC na maaari nang lumabas ang mga menor de edad sa nasabing age group.
Ayon sa City government, papayagan lamang ang mga kabataan na makapasok kung kasama nila ang kanilang mga magulang o guardian.
Bukod dito, maaari na rin sumakay sa public vehicle at bisitahin ang mga open area upang magsagawa ng essential activity kahit na may comorbidity man o hindi pa bakunado ang mga kabataan.
Samantala, batay sa inilabas na guidelines sa ilalim ng alert level 3, hanggang 30 porsiyento lamang ang papayagan makapasok o mamasyal sa mga park.