Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na ang Quezon Memorial Circle ay isa ng child-labor-free zone.
Iginawad ito ni mayor Joy Belmonte matapos ipagdiwang ang National Children’s Month.
Ayon kay Belmonte, walang ilegal na batang empleyado sa lahat ng establisimyento at binuo ng QMC ang child protection policy upang matugunan ang anumang insidente ng child exploitation.
Itinatag ng pamahalaaan ang Quezon City Inter-Agency Task Force for the Special Protection of Street Children and Child Laborers o Task Force Sampaguita upang masagip ang mga biktima.
Simula Setyembre nailigtas ang 685 indibidwal kabilang ang 296 batang nagtatrabaho.
Samantala, naglaan ang pamahalaang lungsod ng P9.4-M para sa pagbubukas ng bahay kalinga sa barangay Amoranto. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla