Nagtakda ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng ilang open-air na lugar sa lungsod bilang mga “child friendly safe zones”.
Ito’y matapos payagan na ang batang edad 5pataas na makalabas ng bahay at makapasyal sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine at Modified GCQ.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, ang mga lugar na ito ay tugon sa pangangailangan ng mga bata na nais magkapag laro at mag ehersisyo sa labas ng bahay.
Ilan sa mga itinakdang safe zone ay ang Quezon Memorial Circle, Ninoy Aquino parks and wildlife center, urban farming area ng Quezon City Hall, Amoranto Stadium at 15 lokal na park sa mga Barangay.