Nakapagtala ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng halos 30,000 indibidwal na nabakunahan kontra COVID-19.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, malaking hakbang ito para maabot ng lungsod ang inaaasam na herd immunity.
Patuloy aniya na magtutulunganang city government, private sector, at iba pang sektor para mas mabigyan ng proteksyon ang mga residente sa lungsod.
Ipinabatid naman ni QC task force vax to normal co-chair Joseph Juico, nagpapakita lamang ito na mas kaya ng lungsod na makapagbakuna ng maraming residente sa loob lamang ng isang taon kung magiging stable ang supply ng bakuna.
Magugunitang, nangunguna ang lungsod ng Maynila sa may pinakamataas na nabakunahan na indibidwal sa loob lamang ng isang araw.