Nakapagtala pa ng karagdagang 16 na kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Quezon City.
Batay ito sa impormasyon mula sa Department of Health (DOH), dahilan para sumampa na sa 2,689 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Ayon sa Department of Health, 2689 na ang bilang ng nagpositibong kaso ng #COVID19PH sa lungsod. 2608 dito ang may kumpletong address sa QC. Umabot naman sa 2569 ang kumpirmado ng ating QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU). pic.twitter.com/LRYUjoO9Dj
— Quezon City Government (@QCGov) June 16, 2020
Sa pinakahuling tala ng lungsod nitong Martes, ika-16 ng Hunyo, nasa 953 pa ang active COVID-19 cases sa lugar.
Sa kabila naman ng mga naitalang panibagong kaso, nakapagtala rin ng karagdagang 33 na naka-recover mula sa virus kaya’t pumalo na sa 1,402 ang kabuuang bilang ng mga gumaling na sa sakit.
Nananatili naman sa 214 ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19.