Patuloy na dumarami ang COVID-19 cases sa Metro Manila, partikular sa Quezon City batay sa tala ng OCTA Research.
Sa inilabas na datos ni OCTA Research Fellow Guido David, umabot sa 27 ang naitalang bagong kaso ng nasabing virus sa QC.
Nadagdagan din ng tig-walong bagong kaso ng COVID-19 ang Navotas at Taguig City habang nakapagtala naman ang lungsod ng Maynila ng pitong bagong kaso.
Samantala, umabot sa 12,510 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. —sa panulat ni Joana Luna