Nagmistulang tambakan ng mga sako – sakong basura ang Quezon City Post Office dahil sa dagsa ng mga padala mula sa abroad.
Ito’y makaraang lumobo ng 30% hanggang 40% ang volume ng mga padala, lalo na ngayong Nobyembre at sa Disyembre.
Ayon kay Postmaster General Rufino Robles, lalo pa itong dumami simula nang tanggalan ng buwis noong isang taon ang mga padalang P10,000.00 pababa ang halaga.
Dahil dito, isiniwalat ni Robles na maaaring bumagal ang processing bunsod ng mataas na volume kaya’t humihingi sila ng kaunting pasensya lalo pa’t posibleng maantala ng dalawang linggo ang pagproseso ng mga padala.