Tinatayang aabot sa 67,000 mga residente ng Quezon City ang makatatanggap ng ayuda ngayong araw sa ilalim ng ikalawang bugso ng social amelioration program (SAP 2) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang naturang bilang ay kasama sa higit 160,000 mga waitlisted na kwalipikadong makatatanggap ng ayuda sa pamamagitan ng Gcash.
Habang ang ibang benepisaryo ng naturang ayuda ay makatatanggap naman ng mensahe sa Gcash sa mga susunod na araw.
Samantala, sa mga benepisaryo na nasa waitlisted pa at hindi pa nakatatanggap ng kanilang ikalawang bugso ng ayuda, ayon sa Quezon City LGU, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa DSWD.