Ipinag-utos ng korte ang pagpapabalik kay dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City bago ang pagpapalabas ng hatol hinggil sa kaso ng Maguindanao Massacre.
Batay sa naging kautusan ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221, sinabi nito na hindi na kailangan pang manatili ni Ampatuan sa Makati Medical Center.
Ani Reyes, maaari na kasing gawin ang rehabilitation procedure ni Ampatuan bilang out-patient lalo’t “neurologically stable” na ito.
Magugunitang na-confine si Ampatuan sa ospital matapos ma-stroke noong Oktubre.
BREAKING: Quezon City court iniutos na ibalik na si Zaldy Ampatuan sa Quezon City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa na kasalukuyang nasa Makati Medical Center matapos ma-stroke pic.twitter.com/QjmwW1vKJ6
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 17, 2019