Mahigpit na ipatutupad ng Task Force Disiplina ng Quezon City government ang health protocols sa pagpila sa mga community pantry sa lungsod.
Iginiit ito sa DWIZ ni Rannie Ludovica, pinuno ng Task Force, matapos kumpirmahin ang pagbibigay ng ticket sa mga lumabag sa curfew nang pumila sa Maginhawa Community Pantry kaninang bago pa mag-alas-5 ng madaling araw.
Binigyang diin ni Ludovica na buo ang suporta ng QC government sa community pantry bilang bahagi ng bayanihan subalit kailangang ipatupad ang health protocols at kunsiderasyon sa mga residente sa maginhawa area.
Nagpahayag na si Mayor Joy Belmonte na sinusuportahan nya ang bayanihan na ‘yan, pero gusto lang namin ipaalala sa mga taga-QC na tayo ay nasa MECQ pa rin, at base po rito ay may guidelines tayo na ang ating curfew ay mula 8PM hanggang 5AM. Pinatutupad lang din natn ‘yung tinatawag nating mga health protocols at sa mga taga QC para sa kabatiran niyo lang din,” ani Ludovica. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais